[PR] Gain and Get More Likes and Followers on Instagram.

#hugotsnappoetry

199 posts

TOP POSTS

"Itigil na natin ito, ayoko na!"
Mga katagang madalas kong sabihin sa kanya.
Ni hindi ko alam kung anong ng nararamdaman niya,
Alam kong kagaya din siya ng iba, na iiwan din akong mag-isa.

Nasasaktan, nasasaktan, at nasasaktan
Nasasaktan na lang siya ng paulit-ulit dahil sawa ka na.
Nasasaktan dahil hindi niya nagawa ang mga gusto mo,
Nasasaktan ang pusong ikaw lamang ang isinisigaw nito.

Puro akala na lang ang nasa utak mo,
Akalang may babaeng kasama pag wala ka sa tabi nito.
Akalang dota lang ang ginagawa maghapon
Akalang hindi ka na mahal, dahil naghahanap ng paraan, maipakita lang ang effort na hinahanap mo.

Tao din siya, napapagod at nagsasawa kagaya mo.
Naiyak, nasasaktan kahit hindi niya sabihin sa'yo.
Hangad lang naman niya na maging masaya ka kasama siya.
Sana suklian mo din ito kagaya ng pagmamahal niya.

Hindi pa naman huli ang lahat,
Hangga't nanjan pa siya sayo, nagtitiis, humingi ka na ng tawad.
Kapatawaran dahil naging makasarili ka,
Kapatawaran dahil ayaw mong dumating yung araw na ayaw na din niya. —Cristine Joy Santos #HugotSnapPoetry

Ilan na ba?
-
Ilan na ba yung lalaking inayawan ko?
Ilan na ba yung lalaking tinaggihan ko?
-
Lima.
-
Lima na yung masasabi kong "nabasted" ko,
Lima na yung masasabi kong hinindian ko,
-
Lima na yung sinayang ko.
Sinayang na opportunidad.
-
Oportunidad na makalaya sa pagkakatali sayo.
Oportunidad na mahalin ng taong gusto ako
Oportunidad na maging masaya ako.
Oportunidad na mapansin ang katulad ko.
-
Para sa'yo.
-
Para sa'yo na gusto ko.
-
Ayoko kasing magsayang ng oras ng kung sino,
Ayoko kasing magsayang ng effort ng kung sino,
Ayoko kasing magsayang ng pagmamahal ng kung sino,
-
Yun bang...
-
Hahayaan ko na manligaw sila.
Hahayaan ko na lumapit sila.
-
Kahit...
-
Ikaw lang yung gusto ko,
Ikaw lang yung hinahanap ko,
Ikaw lang yung mahal ko.
-
Masasayang lang yung pagod nila.
Kase, wala naman pala.
-
Ayoko nang nararamdaman nila
'tong nararamdaman ko.
-
Kasi mahirap.
-
Mahirap maghintay sa wala.
Mahirap maghintay.
-
Sobrang hirap.
-
Kaya ayokong maging kagaya ko,
Yung mga taong 'to.
-
Na itinali na sa isang tao...
-
Yung buhay nila,
Yung oras nila,
Yung effort nila.
-
Tapos wala naman pala.
-
Ayoko ng may kagaya ko.
Na nakatanga.
Na nakaabang.
Na naghigintay.
-
Tapos wala naman pala.
-
Okay na yung ako nalang.
Ako nalang mag-isa.
-
Kesa makapagpahirap ako ng iba.
Alam ko kasi yung pakiramdam...
-
Na di ka minamahal pabalik,
Na di ka nilalaanan ng oras,
Na di ka binibigyan ng importansya.
-
Wala eh.
Mahal na kita.
-
Mahal na mahal na yata kita.
-
Ang tanga ko na ba?
-
Kase naghihintay ako kahit di mo alam.
Kase nakaabang ako kahit di mo alam.
Kase nagmamahal ako kahit wala kang pakialam.
-
Martyr.
-
Yun daw yung tawag sa akin.
-
Pero hayaan mo na,
Tanga, Martyr o kahit ano pa...
-
Hindi ako mapapagod,
Hindi ako bibitaw,
Hindi ako susuko,
-
Kasi mahal kita.
At dito ako masaya.
-
Yung mga manliligaw ko,
Na tinanggihan ko,
Panigurado namang makakahanap sila.
-
Makakahanap nung magmamahal sa kanila.
Makakahanap nung may oras sa kanila.
Makakahanap nung magbibigay saya sa kanila.
-
Ako kasi,
-
Masaya na ako.
Masaya na sayo.
Masaya na mahal lang kita.
-
At, naitaga ko na rin sa bato...
Na kung hindi lang rin ikaw, wag nalang.
-
—Erica Serrano

Kumakapit pa rin ako sa salitang "SANA"
-
Isang salitang walang kasiguraduhan,
Kasiguraduhan kung ikaw pa nga ba'y lalaban.
Kasiguraduhan kung ipagpapatuloy pa rin ba natin itong pagmamahalan.
Kasiguraduhan kung itong ating kwento'y may kabanata pang susundan.
-
Kahit ngayon lang...
-
Tanggalin mo sana ang takot sa iyong puso't isipan
Kung patuloy mong iisipin ang nakaraan,
Paano naman akong nasa kasalukuyan?
Bigla mo nalang akong bibitawan?
-
Sana isipin mo kung paano tayo nagsimula,
Kung paano nabuo ang salitang "tayong dalawa"
Dalawang salita...
Hahayaan mo na lamang bang mawala na parang bula?
-
Huwag ka sanang tuluyang bumitaw
Dahil puso ko'y ikaw parin ang sigaw
Mahal, magtiwala ka naman...
Diba sabay tayong lalaban?
-
Naalala mo pa ba yung pareho nating ipinagdadasal?
Na sana tayo pa rin hanggang huli?
Paano na yun mangyayari?
Kung heto ka't natatakot na sumugal muli...
-
Sana naman bumalik pa tayo sa dati.
Sana naman maayos pa natin ito muli.
-
Kasi heto ako,
Handang maghintay na mapagtanto mo,
Handang maghintay sa magiging kasagutan mo,
Handang ipaglaban na tayo pa rin hanggang dulo
-
—Irish Crystal Unabia
#hugotsnap #hugotsnappoetry #hugot101 #hugot #hugotpamore

#HugotSnapPoetry -
Maling Tao
-
Ginawa ko ang lahat sa mga panahong kailangan mo na pagmamahal na sapat Sinabi ko ang dapat sa mga panahong gusto mo ako na maging tapat.
-
Pinalitan ko nang magagandang dahilan ang mga rason mong mababaw. Ipinagpaliban ko ang hindi mo pagsagot at pinagpatuloy mo naman ang iyong pagbitaw. -
Gumawa ako ng mundo mundo na para sayo
pero bakit ako lang ang kinulong mo dito
Na ilang beses iyakan ang mundong ito
Hindi makakawala dahil ikaw at ikaw pa din ang gusto
-
Nagsawa na ang mga hangin sa boses ko
napagod na ang unan ko na yakapin ako
ni wala nang luha na lumabas sa mga mata ko..
Kakahintay sayo.. Kakahintay sa pagdating mo..
At.
-
Natagpuan kita at ngayon andito na
Natagpuan moko pero di mo napuna?
Galing sa gyera purongalos at sugatan na pero , Niyakap pa din kita...
-
Nakangiti habang lumuluha na
Nakayakap sayo pero nagdurugo na
Nakakapit sa mga kamay mo pero
ikaw ay bumitaw na -
Natagpuan din kita pagbitaw ng mga kamay mo , nakita kita sa pagitan ng Mahal kita at ayoko na.. Natagpuan kita sa
Pagitan ng Kahapon at Ngayon
Nakita kita bilang alaala ko
At nakita moko bilang nakaraan mo.
-
Ang sakit sakit mahal.
Kasi mas pinili mo
ang hindi kumapit kesa lumapit

Kaya sige mahal , paalam na
sa laban na to tanggap kona, talo na ako
At Pagod na pagod na ako..
Ipaglaban at sumugal sa maling tao..
-
(Asan na ba kasi yung forever ko 😂Chos haha!)
-
-Jade Ashley Dela Peña/ @quesdotcom

#HugotSnapPoetry

MINSAN KITANG MINAHAL

Ano nga ba ang nangyari sa atin? Sa tayo?
Noong may maituturing pang "ako'y sayo"
Noong mahal kita at mahal mo rin ako
Noong sana'y masaya pa at walang panggulo

Nasaan ka na kaya?
Masaya ka kaya ng wala ako?
Eto kasi ako, naghihintay sa pagbabalik mo
Baka sakali kasing may muling magbago

Minsan naisip ko
Kung wala kayang nagbago
Tayo pa kaya hanggang ngayon?
Ngunit naalala kong lahat nga pala nagbabago

Bakit sa dami ng babaguhin
Ay iyong "tayo" ay naging "ikaw" na lamang at "ako"
Mahal, may pag asa pa ba?
May hinihintay pa ba?

Kung wala na ay ako'y lilisan na
Lilimutin kong ika'y nakilala
Lilimutin na ikaw ay minsang naging mundo ko
Na minsa'y naging parte ng buhay ko

Mahal, minahal kita noon
Paalam na muna sa ngayon. - Niña Angeles

#hugotsnappoetry
Wala na siguro talaga? Sabagay una pa lang wala naman talaga diba.
Ako lang 'tong si tanga na umasa.
Pinipilit ko namang mawala na talaga, pero di ganun kadali na kalimutan ka.
Sinanay mo kasi ako sa bagay na wala pa lang kahulugan mula umpisa.
Bakit nga ba? May mali ba?
Aaminin ko, hindi ako nagsabi sayo pero lahat naman ipinaramdam ko.
Maaring kinapos ako sa salita, ngunit hindi sa gawa.
Sa ngayon mahal masakit pa. Alam ko namang kakayanin ko ito, pero nasasaktan ako sa pagsuporta mo.
Wala ba talaga? Kahit konti wala?
Hanggang kaybigan na lang ba? Ang sakit naman po pala.
Salamat nalang sa magagandang ala-ala.
Sa mga panahong napapasaya natin ang isa't-isa.
Sa mga tawa at iyak na nasaksihan nating dalawa.
Sa boses mo na mamimiss ko ng sobra.
Mula ngayon, hindi na ako makikinig sa mga paborito nating kanta.
Hindi ko na rin papanuorin ang mga palabas na napagkakasunduan nating dalawa.
Hindi na ako mag-iisip na may posibilidad na baka maging tayo pa.
Hindi na din ako aasa na baka magtext, chat o tatawag ka pa.
Hindi na talaga. Ngunit mahal, titigil lang ako ipakita pero di ibig sabihin na titigil na akong mahalin ka.
Alam ko naman na masaya ka na sa iba.
Na napapasaya ka nya higit pa sa napapangiti kita.
Sana malaman mo na kahit ang sakit-sakit na, kahit papaano masaya na rin ako para sa inyong dalawa.
Dahil yun naman talaga ang dahilan diba? Para saan pa't nasasaktan ako kung hindi ka naman magiging masaya sa ibang tao.
Maaring mas pinili kong lumayo, pero isang tawag mo lang andito na agad ako.
Hinihintay ang pagbabalik mo, baka kasi saktan ka ng taong napili mo.
At kung sakali man na bumalik ka nga, handa akong kalimutan lahat ng sakit na nadarama.
Babalik muli ako sa umpisa kung paano tayo nagkakilala, gagamutin at aalagaan ulit kita gaya ng ipinaramdam ko sayo noong una pa. —Bebegerl 👑
#HugotSnapWalaNamanTalaga #hugotsnap #hugot

Noong iwanan mo ako,
Nagsulat ako.
Nagsulat ako ng nagsulat
Kahit pa tanghali'ng tapat.
-
Sinulat ko ang nararamdaman ko,
Yung sakit na dulot ng pagkawala mo.
Hindi ko ininda yung sakit ng aking kamay,
Nagsulat lang ako ng walang humpay.
-
Isinulat ko kung gaano ako nangungulila,
Kung gaano ako pinapatay ng iyong pagkawala.
-
Masakit daw ang masaksak,
Pero tingin ko mas masakit ang alaala ng iyong mga halaklak.
-

Isinulat ko din iyon,
Mga alaala ng ating kahapon.
Kung gaano katamis ang iyong mga ngiti,
Kung paano ako inaakit ng iyong mga labi.
-
Inaalala kita sa bawat sandali,
Kahit magdulot pa ito ng pighati.
-
Ngayon, nagsusulat na naman ako,
Pero kaunti na lamang ang mga salitang lumalabas sa utak ko.
-
Naubos na yata sila.
-
Ang tagal na din pala.
-
Minsan dinadaan ko nalang sa tawa.
-
Kasi ngayon ko lang naalala
-
Na sa tinagal-tagal ng panahong ginugol ko sa pagsusulat,
Ngayon lang ako natauhan at nakabalik sa aking ulirat.
-
Sa dinami-dami ng mga salitang naisulat ko,
Ngayon ko lang napagtanto,
Na kahit ubusin ko pa ang lahat ng salita sa mundo,
Hindi na nito maibabalik ang dating tayo.
-
— Marijah Montefalco
#hugotsnap #hugotsnappoetry

Naliligaw
-
Naliligaw na ata ako..
Hindi ko alam kung nasaan ako, saan sa parte ng buhay mo, saan lulugar sa tabi sa harap o san malapit sayo.
-
Ikaw, ikaw ang piniling mahalin ng puso, ngunit ikaw ang din pala ang dahilan ng pag dugo
Hindi ko alam kung papaano, kung bakit at kung saan kumuha ng lakas ng loob para ibigin ka ng lubos pero pangako mahal, ikaw lang. Ikaw lang ang pinapangarap ko, ikaw lang sana at ako.
-
Hindi pa tayo nagsisimula, ngunit naglaho na ang lahat. Nawala ka na para kong asong nakawala, hindi alam kung saan hahanapin, hindi alam kung saan ang daan, hindi alam kung saan ang daan patungo sa puso mong akala kong posibleng maka daan.
-
At naglalakbay ako patungo sa pag ibig nating dalawa, may kasamang ngiti, may kasamang saya may kasamang pag uumapaw ng damdamin ngunit sa isang iglap sa gitna ng paglalakbay bigla ka nalang nawala..
-
Hindi na kita makita..
Hindi ko makita ang daan patungo..
Hindi ko makita ang dahilan kung bakit ka nawala kung sa una palang pag ibig nating dalawang ang nilalakbay natin, yun pala ay mag isa nalang akong babalik.
-
Nasaan na ba ko?
Kanina ko pa nilalakbay ang pag ibig natin... este ng pag ibig ko pala para sayo. Kanina pako naglalakad patungo sa ikaluluwag ng damdamin ko, kanina ko pa sinusundan bulong ng puso na sundan kita, ngunit masyado kanang malayo..
-
Mahirap ng sundan..
Mahirap ng habulin..
Mahirap ng sumigaw dahil hindi mo rin naman maririnig..
-
Siguro nga hanggang dito nalang dapat ako naglakbay, pero mahal isa lang ang mapapangako ko sayo,
-
Tanga na kung tanga pero kung babalik ka man sa daan ng pag ibig nating dalawa, pasensya kana kung hindi na kita masusundo
-
Dahil pag dumating ang araw ng pagbabalik mo, baka sa tamang daanan na ang punta ko. Dun sa hindi ako maliligaw, dun sa hindi ako mawawala at dun sa hindi kana mawawala pang muli.
-
—Amirah Cruda
-
#hugot101 #hugotpamore #hugotlines #hugotsnappoetry #hugotsnap

#Hugotsnappoetry
-
Tanong na hanggang ngayon ay di ko pa nasasagot,
Tanong na lumiligalig lagi sa utak ko.
Ako nga ba ang tanga?
Ako na di naman nagkulang at ibinigay ang lahat ng aking makakaya,
Yung tipong umabot sa puntong
di ko na naiisip ang sarili ko.
Yung ikaw nalang lagi ko inaalala.
Yung mga panahon na isinantabi ko ang meaning ng kantang "Love yourself" ni justine bieber.
Mga sandali na halos malunod ako
sa kawalan ko ng pake sa aking sarili.
-
Ako nga ba?
O ikaw ang tanga?
Dahil nagawa mo kong iwan ng dahil sakanya.
Ipinagpalit mo ang mahabang taon natin na magkasama.
Mga segundo,
minuto,
oras,
araw,
linggo,
buwan
at taon na pinagpalit mo sa panandaliang saya at sarap.
Nilimot ang lahat ng magagandang bagay na nagawa ko sa buhay mo,
buhay mo na binigyang halaga at kulay ko.
Pero wag kang mag-alala mahal,
Tapos na ko.
Hindi na ko mangungulit pagkat pagod na ko.
Di man masagot mga katanungan ko.
Sapat na ang ilang taon na alam kong napasaya kita,
napasaya natin ang isa't-isa.
Sige na,
Patuloy mo lamang akong limutin
at pangako ko sayo.
Magagawa ko din.
-
—Bern Ulang

MOST RECENT

Isa. Isang beses ko lang pinag-isipan kung saan ako pupunta: Sapporo. Malayo sa lahat at malayo sa mga alaala. Isang beses lang ako nagmahal. Masama ba magmahal ng isa lang?
.

Dalawa. Dalawa nalang kami ni Sapporo na magkasama. Buti pa 'tong beer ko, di ako iniiwan. .

Tatlo. Tatlong beses akong kumurap. Tatlong muta rin ang nalaglag sa mata ko bago kita tuluyang makita. Pero hindi ako nag-sisi.
.

Apat. Apat na beses mo akong binangon, pero sa pang-apat ako natauhan. .

Lima. Limang beses ko kinumbinsi ang sarili kong wag kang sundan. Pero wala eh, di ko napigilang sundan ang Puso. .

Anim. Di ko napigilan. Hindi ko alam kung bakit mas pinili ko pang ***** kesa mawala ka sa paningin ko. .

Pito. Pitong beses mong kinalembang ang kampana ng kasiyahan. Pero hindi mo alam ng gabing 'yon, mas matindi ang pagkalembang mo sa puso ng saging. .

Walo. Walong minuto na akong late. Pero alam kong mas importante tong walong minuto na 'to para sayo. .

Siyam. Siyam na taon bago nalamang malaki daw ang puso ko. At hindi magtatagal ay sasabog din ito. Ang hiling ko lang, bago ito sumabog, makilala man lang kita. Naisip ko, maikli lang ang buhay. Pag oras mo na, oras mo na. Kaya gawin mo na lahat ng gusto mo. .

Sampu. Sampung malalaking hakbang mula sa kinakatayuan ko bumagsak ka. .

Ikaw ang nagpabago sa pagtingin ko sa buhay ko. Salamat, baby dragonfly. Salamat, Puso. .

Patuloy na nagmamahal,
Saging

#KitaKita #ISeeYou #indieph

#HugotsnapPoetry 
Para sa aking Tala
-
Sa oras at panahon na ang gabi'y pinagkaitan ng liwanag,
nasilayan kita.
Nag-silbi kang lunas sa sakit na nadarama,
at nag-silbing tala sa aking mga mata.
Kulang ang salita sa bawat taludtod ng aking tula,
upang ipaalam sa'yo ang iyong tunay na halaga.

Nang gabi'y dumating at lumisan na ang araw,
ikaw ang nagsilbing tala na aking naging tanglaw.
Sa panahong ang dilim ay nasabayan ng bagyo,
ikaw ang talang nagbigay liwanag sa paligid ko.
-
Ikaw ang katotohanang sa bawat pagtatapos ng araw ay may kikinang pa rin sa dilim,
tinuruan mo ang puso ko na wag matakot sa kung anong maaring dumating.
Nuong umpisa'y hindi ko pa nawari ang tunay na dahilan,
ngunit nang sumapit na ang umaga, at ang araw ay aking nakikinita na,
unti-unti ka na rin palang nawawala.
-
Nasilaw ako sa kakatingin sa taas,
pilit hinahanap ang talang palagi kong binibigkas.
Ngunit wala na,
wala ka, hindi na kita matanaw pa.
Hanggang dumating sa puntong sumakit na ang aking mga mata,
ngunit ang pagka-sabik at pagkalumbay sa puso ay naroon pa.
-
Hindi ito nawala.
Hinihintay ko ang oras nang muling pag-tatakip silim,
upang sa mga tala ay ako'y makahiling;
na sana ang aking tala ay muling kuminang para sa'kin.
-
—Jan Emmanuelle Saet Paguntalan
#hugotsnap #hugot

Repost from #instarepost

#HugotsnapPoetry
Para sa aking Tala
-
Sa oras at panahon na ang gabi'y pinagkaitan ng liwanag,
nasilayan kita.
Nag-silbi kang lunas sa sakit na nadarama,
at nag-silbing tala sa aking mga mata.
Kulang ang salita sa bawat taludtod ng aking tula,
upang ipaalam sa'yo ang iyong tunay na halaga.

Nang gabi'y dumating at lumisan na ang araw,
ikaw ang nagsilbing tala na aking naging tanglaw.
Sa panahong ang dilim ay nasabayan ng bagyo,
ikaw ang talang nagbigay liwanag sa paligid ko.
-
Ikaw ang katotohanang sa bawat pagtatapos ng araw ay may kikinang pa rin sa dilim,
tinuruan mo ang puso ko na wag matakot sa kung anong maaring dumating.
Nuong umpisa'y hindi ko pa nawari ang tunay na dahilan,
ngunit nang sumapit na ang umaga, at ang araw ay aking nakikinita na,
unti-unti ka na rin palang nawawala.
-
Nasilaw ako sa kakatingin sa taas,
pilit hinahanap ang talang palagi kong binibigkas.
Ngunit wala na,
wala ka, hindi na kita matanaw pa.
Hanggang dumating sa puntong sumakit na ang aking mga mata,
ngunit ang pagka-sabik at pagkalumbay sa puso ay naroon pa.
-
Hindi ito nawala.
Hinihintay ko ang oras nang muling pag-tatakip silim,
upang sa mga tala ay ako'y makahiling;
na sana ang aking tala ay muling kuminang para sa'kin.
-
—Jan Emmanuelle Saet Paguntalan
#hugotsnap #hugot

Most Popular Instagram Hashtags