nakaluwagluwag nakaluwagluwag

117 posts   2513 followers   559 followings

#nakaluwagluwag travel stories  Para sa ating nagpapaka-alipin sa trabaho, pero look at us now, kahit pa'no, #nakaluwagluwag na. / Email me: nakaluwagluwag@gmail.com

#nakaluwagluwag correspondent @jayveeboy continues his Sydney trip:
Blue Mountain - 2-hour train ride from Sydney Central Station. Maganda ang view along the way kaya hindi boring ang biyahe. Parang paakyat sa Baguio pero naka-train. SHALA!!! Hindi basta Victory Liner bus! Why blue, you ask? Kasi kapag tinamaan ng scattered ray of lights ang naghalong eucalytpus oil at air dust, nagiging blue ito. O 'di ba, may pa-trivia!!! #nakaluwagluwaginSydney #nakaluwagluwaginAustralia

Bonggang Sydney Town Hall - right beside the Queen Victoria Building along George Street! May pa-lighting, o! Hello po, Mayor! Pa-kape ka naman for your constituents, magso-solicit lang po pang uniform sa pa-liga! Hello? Mayor? Borlog na? @jayveeboy #nakaluwagluwaginSydney

Ladies and gentlemen, the Manly Beach!!! Sa lahat ng manly, ito ang konti ang mga lalaki! Mas marami pang ibon! Anuba, Manly Beach, pinaasa mo ako!!! Dinayo ko pa man din ha - 30-40mins from Sydney Harbour! Mas pang-mag-jowa yata 'to! Holding hands, basaan ng tubig, habulan sa dalampasigan, muni-muni, labasan ng sama ng loob, bilangan ng mali...hanggang sa ma-realize n'yong hindi pala kayo para sa isa't isa!!! O 'di ba, ganyan makipag-break ang #nakaluwagluwag! Hindi basta sa restaurant! Sa Manly Beach!!! @jayveeboy #nakaluwagluwaginSydney #nakaluwagluwaginAustralia

BES!!!!!!! BES!!!!!!!!! GISING!!!! NUMPETSA NA, TULOG KA PA RIN??? Gawain ba 'yan ng matinong koala?! Pumarinhe ka dito, dali! Ikaw ang ipinunta ko dito with kangaroo tapos boborlog ka??? Ikaw naman mag-adjust bes!!! Pasisikatin kita bes! Gawin kitang host sa Showtime! @jayveeboy #nakaluwagluwaginAustralia #nakaluwagluwaginSydney #koala #TarongaZoo

From our Sydney #nakaluwagluwag correspondent @jayveeboy:
Taronga Zoo - 32 AUD (1,060 PHP) Take the Ferry at Wharf 4 from the Sydney Harbour. Pinakamagandang Zoo na napuntahan ko - 'kala mo naman ang daming napuntahan eh Manila Zoo lang naman na-visit ko, RIP). Nasa taas ito ng bundok kaya maganda ang view overlooking Sydney CBD, Sydney Opera House and Harbour Bridge. O 'di ba, ang sosyal ng zoo! Ang daming mga hayup bes, hinanap kita, bakit wala ka??? Nag-CR break? CHEKA #nakaluwagluwaginSydney #nakaluwagluwaginAustralia #TarongaZoo #giraffe #wishyouwerehere

Pakilala ko sa'yo bes ang The Three Sisters - Olga, Masha and Irina. Kung sa Pilipinas, Maria, Leonora at Teresa sigurado pangalan nito - charot! Famous landmark daw ito sa Blue Mountains - pero kaloka ha, sa pagka-famous nito, hindi umabot sa akin ang kasikatan ha! Mas sikat pa ang Pink Sisters - CHAAAAAR! Nag-crave tuloy ako ng ube from Baguio. But I digress. Anyway, this is best viewed from the observation deck sa Scenic World at kapag nakasakay sa Cableway. Kaya sabi nga ni ate Shawie - SAKAY NA! @jayveeboy #nakaluwagwaginAustralia

Sydney Harbour Bridge - Nakakamangha sa ganda lalo na pag sunset mo inachieve! Parang nagiging gold bigla ang kulay. Sarap maglakad sa taas - 'yung free lang kasi yun lang ang afford natin bilang hindi pa #yayamanin - tapos may ka-holding hands ka, tingin sa baba kasi ang gnda-ganda ng view ng Sydney Opera House tapos sisigaw ka sa mga nasa baba, "Mga mga hampaslupa, magsiaalis kayo dyan!!!" Char! Ngayon kung wala kang ka-holding hands, PROBLEMA KO PA BA YUN BES??? Dami mo hiling, nasa Sydney ka na nga, gusto mo pa may ka-holding hands?!? Imbey ako sayo ah!!!@jayveeboy #nakaluwagwaginAustralia #nakaluwagluwaginSydney

Ladies and gentlemen, the Sydney Opera House!!!!! Huhu dati pangarap lang kitang makita!!! Sana 'yung next pangarap kong makapag-concert dito si Ate Reg or Sarah G, matupad na rin!!! At sana mura lang General Admission!!! #popster
#nakaluwagluwag Travel Tip: para makakuha ng magandang anggulo tulad nyan, umakyat sa Harbour Bridge, medyo nakakapagod pero sulit naman sa pa-view si Mayor! Wag ka na mag Bridge Climb, PhP10,000 din 'yun! Sariling sikap na lang, bes! Para may pambili pa ng pasalubong sa Duty Free!!! @jayveeboy #nakaluwagluwaginSydney #nakaluwagwaginAustralia

Royal Copenhagen Ice Cream - pinipilahan lalo na nung lumabas si Haring Araw. Syempre naki-pila ako. At syempre dun ako sa best seller nila kasi ayoko na mag-isip, sayang ang time, time is gold di ba. So ayun, cookies and cream, caramel and butterscotch daw. May free icing on top pa and chocolate coating sa cone. 3.80 AUD (147 PHP) for 1 scoop and 4.80 AUD (186 PHP) naman sa 2 scoops. MASARAP PO!!!!!!! Sa sobrang laki tunaw na bago mo matapos kainin. E kinunan ko pa para i-share sa'yo dito sa IG, so lalo pang natunaw. Grabe sacrifice ko for you, bes. Ma-touch ka. @jayveeboy #pagkaingnakaluwagluwag #nakaluwagwaginAustralia #nakaluwagluwaginSydney

Sydney Tower Eye buffet review (NAKU, TAAS NG STANDARDS NATIN SA MGA BUFFET, WAG KAYONG ANO DYAN, TRAINED TAYO NG VIKINGS AT FIESTAS!): Sakto lang ang pagkain - hindi karamihan, hindi rin ganun kasarapan. K lang. Mas na-enjoy ko ang 360 view kesa sa food. (Lamang sila sa Vikings, walang 360 view sa Vikings). Pero dahil masasayang ang binayad ko, pinilit kong kumain - ayun, akala ko beef, kangaroo pala. KANGAROO BES, KANGAROO!!! 'Yung nagha-hop at may anak sa belly, called a joey, naalala ko pa from pre-school! Hindi nila ako in-inform, bes!!!!! Huhuhu, I ate a kangaroo! LAKI NG REACTION, 'KALA MO NAMAN HINDI KUMAKAIN NG BALUT AT ISAW!!! Anyway, achievement unlocked na rin, makakain ng kangaroo meat -- SA SYDNEY! #SOSYAL #YAYAMANIN #AYALAALABANGVILLAGE @jayveeboy .
.
.
#nakaluwagluwaginSydney #nakaluwagwaginAustralia #pagkaingnakaluwagluwag

Rurok ng pagka-#nakaluwagluwag na social climber: mag-wine kahit hindi naman nagwa-wine!!! E may pa-wine sa taas, bes! LIBRE!!! Tatanggi pa ba? Free taste nga sa SM Hypermart, pinapatos natin, free wine pa kaya? Hindi kami na-inform agad na may unli-drinks pala ang nakuha naming buffet package, kaya nung na-inform na kami, LINTIK LANG ANG WALANG GANTI!!! Tinry namin lahat - softdrinks, lemon, iced tea, feeling ko kung may Milo at Tang e ita-try din namin, masulit lang ang buffet! Pero pinakamasarap yung lemon and ginger beer. Walang ganun sa Vikings bes eh! @jayveeboy #nakaluwagluwaginSydney #nakaluwagluwaginAustralia #pagkaingnakaluwagluwag

Tuloy ang #nakaluwagluwag Sydney correspondent @jayveeboy:
Sydney Tower Eye- tallest structure in Sydney along Market Street corner Pitt Street. May pa-view deck at may pa-buffet worth 61AUD (2,300 PHP). DOON TAYO SA BUFFET, YUN ANG MAGIC WORD ALWAYS. Bongga, may pa-360 view habang kumakain! Walang ganun sa pa-buffet sa Vikings! Hirap magfocus - kung sa food ba o sa view. So both na lang!!! #nakaluwagluwaginSydney #nakaluwagluwaginAustralia

follow this page in feedly

Most Popular Instagram Hashtags