[PR] Gain and Get More Likes and Followers on Instagram.

herbooksandfeels herbooksandfeels

29 posts   22 followers   161 followings

  reading; it's a constant part of her

https://mnikkamendoza.wordpress.com/

September 10, 2017

To be honest, I don’t have the right word/s to express how excellent, magnificent, and how I liked–oh, no–how I loved this book!

Gaya nang lagi kong sinasabi sa tuwing matatapos akong magbasa ng gawa ni Miss Dior, she’s really good at putting words together and she can create magic and wonders sa pamamagitan lamang nito. Thru her words, nagiging sobrang vivid sa isip ko n’ung dine-describe niya habang binabasa ko. It’s as if that just by her mere words I am being transported inside the book at nakikita at nararanasan ko mula sinag ng araw hanggang sa pinaka matitinding emosyon n’ung mga character d’un.

Gan’on ka-lupit, gan’on ka-lakas ‘yung impact.

I don’t know how she does it but, man, she’s so amazing when it comes to that. *Full feels on my wordpress kasi di kasya dito

July 30, 2017

Can't let this long weekend go na hindi nakakapagbasa miski isa man lang sa book ni Ate Elise. And, tada! I chose Between The Moon And The NYC.

I honestly thought na super magho-hold back si Mark sa feelings niya kay Abigail just because of his personal rule but I'm glad he didn't. I mean, I like guys who have principles but I like guys who don't make things complicated lalo na kung pwede naman hindi gawing complicated. And I really really like how sure he is of Abigail. I mean, ano pa ba bukod sa tunay na pagmamahal ang napaka heartfelt na pwedeng mapadama ng lalaki? Di ba yung sigurado na siya sayo, na ikaw ang gusto niya makasama habambuhay?

And I really like kung paano ipinakita ni Ate Elise dito that you can never go wrong sa pagtulong sa ibang tao, that it feels very rewarding. I mean, parehong nasa NYPD ang hero at heroine and they're both good people willing to go against all odds para tumulong. Kahit nagbabasa lang ako, naramdaman ko yung sayang nararamdaman nila sa pagtulong dun sa mag-ina.

Conflict? I actually find it cool. Hahahaha. Nag-aaway sila kasi parehas silang may gustong iligtas. Where in fact, pwede naman talagang maayos kung nag-explain ng mabuti si Mark. Yes, medyo baluktot at OA si Abigail sa part na yon but I totally understand her. And kung ako yung nasa situation niya, I see myself reacting that way too.

I like it. Actually may Sentinels vibe siya pero ang galing kasi they're both on duty talaga. Thank you for this, Ate Elise! ❤

July 27, 2017

My latest read and second book from Bob Ong. Highschool pa lang nagbabasa na ako ng books niya, salamat kay Glen (yata?) dahil wala pa akong pambili ng libro non. 😅

Anyway, sobrang ganda ng Si at sobrang shook ako sa ending. Actually, hindi ko nga alam kung tama ba 'yung pagkakaintindi ko but nevertheless, masasabi kong malakas pa rin ang impact non at may natutunan ako.

Gustong-gusto ko 'tong libro na 'to kasi bukod sa ang unique n'ung nag-umpisa sa dulo eh ang "grabe" n'ung content nang buong libro. "Grabe" na lang ang ginamit kong salita dahil grabe talaga. Hindi ko ma-explain. Sobrang ganda at galing n'ung pinakita ni Bob Ong 'yung iba't ibang klase ng pag-ibig, 'yung realidad ng buhay--kasama nang pait non (Si Mario Lim at Carmen talaga eh 😭), pati na at higit sa lahat 'yung ganda nito sa mga bagay na simple lang. Na hindi kailangan na maging magara ang mga bagay-bagay para maging masaya.

Ang dami pang quotes! Parang gusto ko ngang i-highlight ang buong libro hehe

Ang dami ko pa ring tanong pero natutunan ko rin kasi dito na may mga tanong na hindi mo talaga masasagot and you just have to accept it and deal with it.
Ang galing talaga ni Bob Ong. ❤
#supportfilipinoauthors

July 3, 2017

After three or four days natapos ko na rin siya, finally! Wala talaga kong time magbasa these days kaso lang super excited talaga ako sa married life ng TeamBanal kaya every time na bumibyahe ako (papasok at pauwi) saka ko binabasa. & as expected, na-meet ni Eydee yung inaasahan ko sa married life. Mostly nakakakilig but I know one way or another may nakakainis. Siya yung writer talaga na ang galing gumawa magsulat nang nakakainis na characters. Yes, si Brittany ang tinutukoy ko. Natutuwa rin ako na nalaman ko yung iilang thoughts ni Saint sa JTS1 dito sa JTS2. Minahal ko tuloy siya lalo.
Medyo parang may kulang lang na hindi ko pa ma-figure out kung ano yun ngayon kaya may bitin feeling akong nararamdaman but ang importante is, sina Mary at Saint pa rin sa huli. I really love them. ❤

#jtsbundle #supportfilipinoauthors

Throwback read last 16th of December 2016. Gusto ko magpost dito kaso no time to read kaya tb na lang. This was posted on my tumblr too.

Sobrang ganda ng book!

Isa ito sa mga kakaunting novel na nabasa ko na swak na swak talaga ‘yung spg scenes. I mean, necessary talaga sa kwento 'yung detailed spg scenes. Sa opinion ko kasi, may mga stories na pwede naman hindi i-detalye 'yung mismong nangyari at basta sabihin na lang na may nangyari pero dinedetalye pa rin. Sa paningin ko tuloy, magka-spg lang. Anyway, para sakin, necessary talaga dito yung detailed spg scenes. And ang ganda nung pagkakagawa pa nung scenes na yun. Nararamdaman ko habang binabasa ko yung parts na 'yun yung gustong iparamdam at ipaintindi sa akin nang writer. Double thumbs up!

And eventhough most content of the book revolves around the 'fucking’ and 'love making,’ may iba siyang impact. Sa bawat 'fucking’ ay may 'pain.’ Sa bawat 'love making’ ay may 'healing.’ May lesson din siya. About life, of course. And may lesson din siya na natutunan ko as a psych major. Naka-relate din ako sa tatlong main characters. S'yempre secret na lang kung paano hehe basta may “piraso” ng bawat isa sa kanila na naka-relate ako. Sa sakit. Sa pinagdaanan. Sa paraan kung paano tumingin sa mga bagay.

And eventhough sobrang bitin sa huli. Ang dami kong questions, swear! I still give a 10/10 sa book na 'to. Pero sana talaga nasagot man lang 'yung “Ano nang nangyari kay Joy?” “Gumaling ba si Martin?” “Nagkita ba sila ulit?” “Naging maayos ba si James?” Ang open ending niya pero it made an impact too.

Basta ang ganda niya. And I highly recommend this sa mga taong willing tumingin sa mga bagay-bagay sa iba’t ibang paraan. Mga malawak ang pang-intindi.

June 10, 2017

My first, my last, my undying love, my immortal beloved... Si Commander John Mackenzie Herrera na talaga ang bias ko sa Sentinels. ❤ Oo at minahal ko rin sina Cam at Jacob, crush ko rin sina Russ, Edward, at Francis pero iba talaga si Mac. Iba yung pinaramdam niya sa puso ko. Sana totoong tao siya, hindi lang dahil masarap syang maging ka-lovelife kundi dahil kailangan siya ng bawat bansa, ng buong mundo. 😭

Para sakin, storywise the best talaga ang A Bride for David at Valiant Love pero shet, nahigitan yun ng Immortal Beloved. Ang daming pinakita ng IB! Hindi lang romance nina Mac at Bryce, mas naipakita rin dito yung pagmamahal at paglilingkod sa bayan, pagiging tapat sa tungkulin, brotherhood ng Sentinels, at pagmamalasakit sa kapwa; yung walang iwanan kahit nasa bingit pa ng kamatayan. Mahal na mahal ko 'tong kwento na 'to at gaya ng title, magiging imortal 'to sa puso ko. Jusko. 😭💜 At yung love story mismo nina Mac at Bryce, epic, prologue pa lang, masasabi at mararamdaman mo ng, shit, sila nga ang nakatadhana. Oo, nasaktan ako sa ilang mga kagagawan ni Mac but he managed to redeem himself na hindi ko na siya pinagdudahan. Napaka ganda ng kwentong 'to, yung feels sa puso ko, hindi ko madescribe.

Isa itong masterpiece. Thank you dito, Ate Elise!!! Sobrang thank you. Mahal na mahal ko 'tong story na 'to. 😭❤❤❤ #supportfilipinoauthors

Paano po mamili sa magpinsang Herrera? 💜

Sobrang nagustuhan at minahal ko si Cameron, paghahandaan ng puso ko si Mackenzie. 😉💕

June 10, 2017

Ala una ng madaling araw, sa wakas, natapos ko rin si Cameron Herrera!!! Sobrang windang ng puso ko! Ever since mabasa ko ang Immortal Beloved II (sa wp, 1st read ko kay Ate), sure ako na sa Sentinels, si Mac talaga ang bias ko, pero... Ang lakas maka-bias wrecker ni Cam!!! May hatak siya na hindi ko ma-explain pero gustong-gusto ko. Jusmio, mga Herrera, be gentle with my heart naman po. ❤

And si Mallory, mygad, girl crush! She's everything I want to be! Mahilig ako sa action movies at kahit imposible nangarap ako maging agent agent at kung ano pang maaksyon, tapos si Mal, yung talino at galing niya, sobrang astig! Pangarap kong maging ganon ka-badass na babae pero I think I just can't. Lalo na sa physical activities. Hindi lang yon e, yung tapang at lakas ng loob, grabe, amazing.

Isang gusto ko pa dito is no matter how cool and badass Mal as a girl, napakita pa rin na kahit ganon ang isang babae, hindi masama if she'll feel like a woman because of a man. Hindi nakabawas ng pagkababae, ng coolness at ng pagiging badass.

At mas gusto ko talaga na nagpe-premium si Ate Elise, mas hitik kasi. Congrats, Ate!!! Ang ganda nito!!! Ang astig!!! Isa sa fave ko yung na-ambush sila tas nakipagbarilan silang tatlo. Astig non!!! Saka huhu ganda ni Mal, na-typean siya ni Mac, walangya, iba. 😭😂 Saka yung epilogue!!! Naeexcite ako lalo kay Mac! Malaman. May something yata sa past jusmio kaso ala una na, mamaya naman. Thank you dito, Ate Elise!!! Dama ko talaga si Mal, sino ba sa magpinsan crush ko? 😂❤❤❤ #supportfilipinoauthors

June 9, 2017

Finally!!! Tapos na sa first four books ng Sentinels series!! ❤

And, I must say, itong Valiant Love ang pinaka paborito ko sa apat in terms of: characters, storywise, and dialogues.

At gustong-gustong-gusto ko si Jacob sa Prologue pa lang. Personality and paninindigan. Oo, nagsinungaling siya but that doesn't make me love him any less. Isa na siya sa pinakamahal ko sa heroes ni Ate Elise. 😭💞 Kaya nga kahit naiintindihan ko si Sonia, nainis pa rin ako sa ginawa niya. Kasi, hello, girl, kung ganyan ka-giting ang jowa ko, magiging proud talaga ako at magdadasal na lang sa tuwing nag-aalala. Yung mga ganyang lalaki, jusko, minamahal at hindi hinihiwalayan. Haha pero sabi ko nga gets ko naman si Sonia.

Saka yung mga scenes and dialogues! Ang gaganda!!! Gusto ko sana isa-isahin yung feels ko dun kaso spoiler. 😅

Congrats and thank you dito, Ate Elise, huhu isa na 'to sa mga favorite ko. Kung pwede nga lang, akin na si Jacob. Sobrang swerte ni Sonia, inggit ako hahahaha. 💕💕💕 #supportfilipinoauthors

Reader since 2012. ❤❤❤ #supportfilipinoauthors

MSV and PHR at NBS Farmers Cubao. ❤

Midnight by Bianca Salindong-Verayo + brown eyes. ❤❤❤ Sa wakas, nakakita rin ng copy! 😅

Most Popular Instagram Hashtags